Paano Mapapaunlad Ang Turismo Ng Pilipinas? Isa sa pilipinas ang biniyayaan ng Maykapal ng likas ng yaman at nagtataglay ng makulay na kasasaysayang ating maipagmamalaki sa mga Turista. Ang ating pamahalaan sa pangunguna ng Department of Tourism ay matalino at buong sikap na ginagawa ang kanilang tungkulin upang maka- hikayat ng mga banyagang bisitahin at tuklasin ang natatanging yaman ng ating bansa. Base sa mga datos , malaki ang inilago ng turismo kumpara sa mga nagdaang taon ngunit sa kabila ng pagsu- sumikap ng DOT ay bigo pa din nitong maabot ang target na kabuuang kita para sa taong ito. Ang pagkabighani ng mga banyaga sa mga magagandang lugar sa ating bansa ay hindi sapat na batayan upang mapagdesisyunang ng mga itong pumasyal sa atin. Isinasaalang-alang din ang kasiguraduhan ng kaligtasan; magandang serbisyo sa ating paliparan at iba pang uri ng transportasyon , ...