Image result for pagpapaunlad ng turismo sa pilipinas

Paano Mapapaunlad Ang Turismo Ng Pilipinas?


           Isa sa pilipinas ang biniyayaan ng Maykapal  ng likas ng yaman at nagtataglay ng makulay na kasasaysayang ating maipagmamalaki sa mga Turista. Ang ating pamahalaan sa pangunguna ng Department of Tourism ay matalino at buong sikap na ginagawa ang kanilang tungkulin upang maka-
hikayat ng mga banyagang bisitahin at tuklasin ang natatanging yaman ng ating bansa. Base sa mga datos , malaki ang inilago ng turismo kumpara sa mga nagdaang taon ngunit sa kabila ng pagsu-
sumikap ng DOT ay bigo pa din nitong maabot ang target  na kabuuang kita para sa taong ito.

           Ang pagkabighani  ng mga banyaga sa mga magagandang lugar sa ating bansa ay hindi sapat na batayan upang mapagdesisyunang ng mga itong pumasyal sa atin. Isinasaalang-alang din ang kasiguraduhan ng kaligtasan; magandang serbisyo sa ating paliparan at iba pang uri ng transportasyon
, gayundin sa mga tutuluyang hotel; abot-kayang presyo ng mga bilihin at iba pang mga pang araw-araw na gastusin sa kanilang pamamalagi; kakaiba at masasarap na pagkain; at higit sa lahat ang mabuting pagtanggap at pakikitungong likas sa ating mga pilipino

         Bilang isang kabataan , bagama't tayo'y walang posisyon sa gobyerno ay mayroon pa rin tayong mga mumunting magagawa upang makatulong mapaunlad ang turismo sa ating bansa. Tulad ng simpleng pagbabahagi sa Facebook at iba pang social media platforms ng mga larawan ng magagandang lugar sa ating bansa. Buong mundo ang naabot ng internet at ang mga pinipost nating mga larawan ay hindi malabong maka enganyo ng mga banyaga ng bumisita sa ating bansa. Isang malaking ambag din ang ating pakikiisa sa mga adbokasiyang isinusulong ng mga political at non-political groups na naglalayong mapreserba ang likas na ganda ng mga tourist spot sa ating bansa .Isa sa mga simpleng kontribusyon nating mga kabataan ay ang pag-iwas na gumagawa ng bandalismo gayundin ang pagre-report sa kinauukulan ng nasaksihang gumawa nito.

      Ang pangarap ng mapaunlad ang turismo ng ating bansa ay hindi lamang nakasalalay sa sangay ng pamahalaang namumuno dito. Kinakailangan din ang buong pusong pakikiisa nating mga mamamayan bilang pangunahing makikinabang sa mga mabubuting idudulot nito,

Mga Komento